Linggo, Agosto 16, 2020

Paano nga ba magfile ng complaint sa DTI: Know your consumer rights

 Bogus buyer, Bogus seller, scammer, defective products, maling item, basag ng dumating sa bahay ang inorder, bastos na seller, bastos na buyer, policy na hindi katanggap tanggap para sa mga mamimili?


Ilan lang ito sa mga scenario at mga katanungang aming natanggap sa aming you tube channel na Knowsie Rosie.

https://www.youtube.com/channel/UCC9_tCuryFQmKofY-u7APNw

Magsubscribe sa aming channel upang mas lalo pa kayong maraming matutunan bukod sa DTI.

https://www.tubebuddy.com/assets/images/AffiliateAssets/Banner-728x90.png

NALOKO KA NA BA: https://youtu.be/v6HKs_c72tg

How to file DTI Complaint: Step by step guide- https://youtu.be/2zR3-5xCS-g

Maraming nagtatanong kung ano ang gagawin kapag nakaencounter ng bogus buyer, manlolokong seller, defective products, paano daw pag internet, eh paano pag hindi makahulog sa motor sakop pa rin ba ito ng DTI?

We will try to answer your questions and sana makatulong po ang aming page at channel to assist you with your concern. We are aiming to help people understand and fight for their rights as a consumer pero sa tamang avenue ☺.

Kadalasan ang nakikita naming problema ng mga mamimili or konsumer ay hindi na nila mahagilap ang seller after nito makuha ang pinaghirapang pera ng pobreng buyer. O kaya naman hirap na hirap si buyer na kumuha ng refund or exchange ng isang defective product na binenta or pinadala ni seller.

Sasabihin ni seller kasalanan yan ni courier. Ay magaling ano? parang mga bata lang ng nabasag ang pinakakamamahal na vase ng nanay eh biglang nagturuan.. Maling mali po ito, ang seller ang dapat manigurado na ang kanilang product ay nakablot mabuti at may proof sila na ito ay binalot ng maigi bago ito ipadala. Kung ikaw ay seller at ayaw mong ibalik sayo ang product mo na sira sira siguraduhing may picture ka kung gaano mo sinecure ang package para sa iyong mahal na seller. Bukod pa dyan ipadala ang picture sa seller or itago for future reference. 

Masakit man tanggapin sa kasalukuyan wala pa pong batas talaga na angkop sa mga courier na hindi tumutupad sa kanilang tungkulin at walang malasakit sa kapwa nila at sa mga dala nilang items. Minsan mapapadasal ka na lang na wag sana sa kanila itong mangyari dahil di mo alam anong gagawin nila if ever.

As per DTI website, sila ay nakipagtulungan na sa ating mga senators at mambabatas na magcreate at magpasa ng batas tungkol dito. 

https://www.dti.gov.ph/negosyo/e-commerce/logistics/

Ang bawat reklamo ay may kanya kanyang sangay kung saan dapat ito ireklamo. Halimbawa:

Kung may reklamo ka sa produktong binili mo, defective, mali or hindi binigay ng seller eto ay pwedeng icomplaint sa DTI at sabihin sa kanila ang nature ng complaint.

You can call them sa:

CUSTOMER CONTACT CENTER

Monday - Sunday: 8:00 am - 5:00 pm

(except holidays)

Telephone: 1-DTI (384)

Email: ask@dti.gov.ph

OFFICE HOURS

Monday - Friday

8:00 am - 5:00 pm

(except holidays)

Trunkline: (632) 7751.0384 | (632) 7791.3100

Mobile: 0917.834.3330 (SMS only) this number is working at may magrereply sayo at iready ang storya ng iyong reklamo. After you sent it to them they will provide you a response on what to do next. So I suggest diretso ka na sa pagtawag sa landline nila or pagsend ng email dito: ask@dti.gov.ph

you can also visit their website para mas makita mo ng maayos ang mga bagay na need mong gawin kung nais mong magreklamo.

https://www.dti.gov.ph/konsyumer/complaints/

Pagkatapos mong magpasa ng complaint, tiyakin na icheck ang iyong email araw-araw Lunes hanggang Biyernes dahil kung tama at kumpleto ang naipasa mong information they will contact you at magschedule ng hearing sa dalawang party. If may kulang sasabihin ka rin nila kung anong dapat pang gawin.

Kung ang complaint ay hindi ayon sa DTI or hindi para sa DTI, magsesend din sila ng email sayo para sabihin kung saan department ka dapat magemail at ilalagay din nila kung ano ang eksaktong email at maghihintay ka ng reply sa department na yun kung saan ka niredirect.

Sa kabuuan, madali lang ngunit kailangang magtiyaga ang bawat consumer na sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatan bilang mamimili.

Upnag maiwasan din ang ganitong asunto sundin din po natin ang gabay ng DTI sa pagbili ng mga produkto online.

Online security tips:

https://dtiwebfiles.s3-ap-southeast-1.amazonaws.com/e-library/Consumer/CPAB/Online+Shopping+Securitips.pdf

Nadaya Ka na ba:

https://dtiwebfiles.s3-ap-southeast-1.amazonaws.com/e-library/Consumer/CPAB/Nadaya+Ka+Na+Ba.pdf

Kung may mga katanungan maarin nyo po kaming mareach sa:

Aming youtube channel, manuod, magsubscribe at magcomment: 

https://www.youtube.com/channel/UCC9_tCuryFQmKofY-u7APNw

Email us at: knowsierosie2019@gmail.com

I-like at ifollow ang aming Facebook Page: Knowsie Rosie at pwede din po kayong magmessage dun.

We will do out best to answer your questions about this topic.

Thank you so much for subscribing and for liking and for reading this full post.

Ako po ang inyong coach na laging maasahan at nasa likuran, harapan at tagiliran in short laging nandyan! Coach Knowsie Rosie

Remember that Exploring is Learning and Learning is Empowering. To God be the Glory!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

You're God's Master piece.